www.caonlinenews.com

Loading...

PH handa sa banta sa terorismo, wala ring ‘imminent threat’ – Defense chief

Sep 16, 2021 news-admin 18 views

Tiniyak ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na walang dapat ikabahala at ipangamba ang publiko sa inilabas na terror threat ng Japan sa Southeast Asia kabilang ang Pilipinas.

Sa isang virtual press conference, sinabi ng kalihim alam na ng Pilipinas ang gagawin lalo na sa banta ng terorismo.

Sa katunayan, nakaalerto ang AFP at PNP para tugunan ang nasabing banta.

Patuloy din daw ang operasyon ng militar laban sa mga local terrorist group na nag-o-operate sa Mindanao.

Giit din ni Lorenzana, kontrolado ng security sector ang sitwasyon ngayon sa bansa, subalit pinalakas lamang ang intelligence monitoring lalo na doon sa mga suicide bombers.

Binabantayan din ngayon ng militar ang mga local terrorist group lalo na ang Abu Sayyaf na posibleng maglunsad ng suicide bombing activities.

Ayon sa kalihim nasa “moderate threat” ang bansa subalit walang imminent threat.

Pinalakas din ng militar ang kanilang pagbabantay lalo na sa southern part ng bansa para mapigilan ang pagpasok sa bansa ng mga banyagang terorista.

Pinaigting din ng Pilipinas, Malaysia at Indonesia ang kanilang trilateral patrols sa bahagi ng Tawi-Tawi.

Gayundin dinagdagan ng AFP ang kanilang mga barko na nagpapatrulya sa karagatan.

Malaking tulong din ang umiiral na COVID-19 lockdown sa Tawi-Tawi, Basilan at Zamboanga kung saan hindi muna pinapapasok ang mga indibidwal sa bansa lalo na galing sa bansang Malaysia at Indonesia.


Related Post

Latest Post


PNP may mga ginagawang hakbang na para sagutin ang mga alegasyon laban sa kanila – Eleazar
Nanindigan ang Philippine National Police (PNP) na ginagawa nito ang lahat upang masagot ang lahat

Sep 17, 2021 news-admin

53 lugar sa QC isinailalim sa lockdown; ayuda tiniyak sa 2 kumbento ng mga madre na may COVID outbreak
Nadagdagan pa ang mga lugar sa Quezon City na isinailalim sa Special Concern Lockdown (SCLA) dahil

Sep 17, 2021 news-admin

Suplay ng Tocilizumab sa bansa nagkakaubusan – Galvez
Aminado si National Task Force Against COVID-19 chief implementer Carlito Galvez Jr na nahihirapan

Sep 17, 2021 news-admin

Prince Harry at Meghan kasama sa 100 Most Influential people ng Time Magazine
Nakasama ang Royal Couple na sina Prince Harry at Meghan Markle bilang 100 most influential people

Sep 17, 2021 news-admin

Blackwater natikman ang 18 sunod na talo sa NLEX 90-73
Pinatikim ng NLEX sa Blackwater ang kanilang ika-18 sunod na talo 90-73 sa patuloy na 2021 PBA Phil

Sep 17, 2021 news-admin