www.caonlinenews.com

Loading...

P36M jackpot sa 6/45 Lotto hinati ng 2 mananaya

Aug 12, 2021 news-admin 28 views

 Dalawa ang bagong milyonaryo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) matapos na mahulaan nito ang winning combination ng Megalotto 6/45 na binola Lunes ng gabi.

Inihayag ni PCSO General Manager Royina Garma, na paghahatian ng dalawang mananaya mula sa Muntinlupa City at Batangas City ang kabuuang premyong P36,083,471.00 makaraang mahulan nito ang winning combination na 34-40-08-24-36-30.

Pitong mananaya naman ang nakakuha ng 2nd prize matapos na makuha ang lima sa anim na winning numbers na mag-uuwi naman ng tig-P32,000 kada isa.

Ang Megalotto 6/45 ay binobola sa araw ng Lunes, Miyerkules at Biyernes sa punong tanggapan ng PCSO Shaw Blvd. sa Mandaluyong City sa ganap na alas-9:00 ng gabi.

Hinimok ni Garma ang publiko na patuloy na tangkilikin ang mgapalaro ng PCSO upang sa ganun ay madagdagan ang pondo na pantulong sa mga health program, medical assistance at iba pang pangangailangan ng mahihirap na mamamayan na walang pambayad sa ospital at pambili ng gamot.

Upang makobra ang napanalunang tiket, kinakailangan lang na magtungo ang masuwerteng mananaya sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City at magdala lang ng dalawang valid ID’s at ang kanilang winning ticket.


Related Post

Latest Post


PNP may mga ginagawang hakbang na para sagutin ang mga alegasyon laban sa kanila – Eleazar
Nanindigan ang Philippine National Police (PNP) na ginagawa nito ang lahat upang masagot ang lahat

Sep 17, 2021 news-admin

53 lugar sa QC isinailalim sa lockdown; ayuda tiniyak sa 2 kumbento ng mga madre na may COVID outbreak
Nadagdagan pa ang mga lugar sa Quezon City na isinailalim sa Special Concern Lockdown (SCLA) dahil

Sep 17, 2021 news-admin

Suplay ng Tocilizumab sa bansa nagkakaubusan – Galvez
Aminado si National Task Force Against COVID-19 chief implementer Carlito Galvez Jr na nahihirapan

Sep 17, 2021 news-admin

Prince Harry at Meghan kasama sa 100 Most Influential people ng Time Magazine
Nakasama ang Royal Couple na sina Prince Harry at Meghan Markle bilang 100 most influential people

Sep 17, 2021 news-admin

Blackwater natikman ang 18 sunod na talo sa NLEX 90-73
Pinatikim ng NLEX sa Blackwater ang kanilang ika-18 sunod na talo 90-73 sa patuloy na 2021 PBA Phil

Sep 17, 2021 news-admin