www.caonlinenews.com

Loading...

Malaking tulong ng NTC sa pagpapanatili ng peace and order sa bansa, kinilala ng Napolcom

Sep 16, 2021 news-admin 13 views

Nakakuha ang National Telecommunications Commission (NTC) ng parangal mula sa National Police Commission (Napolcom) bilang pagkilala sa malaking tulong nito sa implementasyon ng mga programang naglalayon na mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa ating bansa.

Maliban sa libreng paghahatid ng agarang paalala at patnubay sa publiko, malaking papel ang ginampanan ng NTC upang makuha ang pulso at hinaing ng publiko tungkol sa mga bagong protocol at panuntunan upang mapanatili ang peace and order ngayong panahon ng pandemya.

Ilan sa mga ito ay ang implementasyon ng mga survey na may mga pamagat na “Public Perception of Police Checkpoints During the Community Quarantine Period” at “2021 Public Perception of Community Safety.”

Sinabi ni Napolcom Vice Chairman and Executive Officer Vitaliano Aguirre II na ang tulong ng NTC at iba pang mga ahensiyang kanilang pinarangalan ay napakalaki ng naitulong sa pagkuha ng kapakipakinabang na impormasyon mula sa publiko na nagbigay-daan upang kanilang mapaganda pa ang kanilang serbisyo at mapalakas pa ang tiwala ng publiko sa PNP lalo na ngayong may pandemya.

Ibinigay ang parangal online bilang selebrasyon na rin ng ika-55 anibersaryo ng Napolcom.


Related Post

Latest Post


PNP may mga ginagawang hakbang na para sagutin ang mga alegasyon laban sa kanila – Eleazar
Nanindigan ang Philippine National Police (PNP) na ginagawa nito ang lahat upang masagot ang lahat

Sep 17, 2021 news-admin

53 lugar sa QC isinailalim sa lockdown; ayuda tiniyak sa 2 kumbento ng mga madre na may COVID outbreak
Nadagdagan pa ang mga lugar sa Quezon City na isinailalim sa Special Concern Lockdown (SCLA) dahil

Sep 17, 2021 news-admin

Suplay ng Tocilizumab sa bansa nagkakaubusan – Galvez
Aminado si National Task Force Against COVID-19 chief implementer Carlito Galvez Jr na nahihirapan

Sep 17, 2021 news-admin

Prince Harry at Meghan kasama sa 100 Most Influential people ng Time Magazine
Nakasama ang Royal Couple na sina Prince Harry at Meghan Markle bilang 100 most influential people

Sep 17, 2021 news-admin

Blackwater natikman ang 18 sunod na talo sa NLEX 90-73
Pinatikim ng NLEX sa Blackwater ang kanilang ika-18 sunod na talo 90-73 sa patuloy na 2021 PBA Phil

Sep 17, 2021 news-admin