www.caonlinenews.com

Loading...

Ginebra desididong makapasok sa playoffs matapos lusutan ang Phoenix 94-87

Sep 16, 2021 news-admin 13 views

Lumakas pa ang tsansa ng Barangay Ginebra na makapasok sa playoffs ng 2021 PBA Philippine Cup matapos na nalusutan nila ang Phoenix 94-87.

Tila nakabawi ang Gin King sa tatlong pagkatalo sa huling apat na laro at maiangat ang record na apat na panalo at limang talo sa laro na ginanap sa DHVSI Gym sa Bacolor, Pampanga.

Naging susi ang pumasok na tira ni Stanley Pringle para maitabla sa 87 all sa natitirang 2:34 sa last quarter.

Hanggang tuluyang nailayo ni LA Tenorio ang kalamangan nila sa mga huling minuto ng laro.

Bumida sa panalo si Pringle na mayroong 31 points habang si Tenorio ay mayroong 23 points.

Aminado si Ginebra coach Tim Cone na nahirapan sila sa nasabing laban dahil sa magkakasunod na pagkatalo.

Isa ring malaking hamon ngayon sa mga susunod na laro ng koponan ay ang pagka-injured ng kanilang center na si Japeth Aguilar.

Kahit na nainjured ay mayroon pa rin itong 21 points, 12 rebounds at dalawang steals.


Related Post

Latest Post


PNP may mga ginagawang hakbang na para sagutin ang mga alegasyon laban sa kanila – Eleazar
Nanindigan ang Philippine National Police (PNP) na ginagawa nito ang lahat upang masagot ang lahat

Sep 17, 2021 news-admin

53 lugar sa QC isinailalim sa lockdown; ayuda tiniyak sa 2 kumbento ng mga madre na may COVID outbreak
Nadagdagan pa ang mga lugar sa Quezon City na isinailalim sa Special Concern Lockdown (SCLA) dahil

Sep 17, 2021 news-admin

Suplay ng Tocilizumab sa bansa nagkakaubusan – Galvez
Aminado si National Task Force Against COVID-19 chief implementer Carlito Galvez Jr na nahihirapan

Sep 17, 2021 news-admin

Prince Harry at Meghan kasama sa 100 Most Influential people ng Time Magazine
Nakasama ang Royal Couple na sina Prince Harry at Meghan Markle bilang 100 most influential people

Sep 17, 2021 news-admin

Blackwater natikman ang 18 sunod na talo sa NLEX 90-73
Pinatikim ng NLEX sa Blackwater ang kanilang ika-18 sunod na talo 90-73 sa patuloy na 2021 PBA Phil

Sep 17, 2021 news-admin