www.caonlinenews.com

Loading...

Chinese vessels matagumpay na naitaboy sa Sabina Shoal sa West PH Sea – PCG

May 08, 2021 news-admin 87 views

Matagumpay umanong na naitaboy ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga barko ng Chinese maritime militia sa Sabina Shoal noong Abril 27 at 29 na sakop pa ng Philippine Exclusive Economic Zone (EEZ).

Sa ulat ng National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS), nagtungo noong Abril 27 ang BRP Cabra ng Philippine Coast Guard kasama ang dalawang barko ng BFAR na MCS 3002 and 3004 sa Sabina Shoal na may 130 milya ang layo sa kanluran ng Palawan para magsagawa ng law enforcement operations.

Naabutan nila dito ang pitong mga barko ng China na nakahanay sa isang linya. Dito na nag-isyu ng challenge ang BRP Cabra sa mga dayuhang barko.

Makalipas ang 20 minuto ay nag-disperse naman ang mga barko ng China at umalis sa lugar.

Makalipas ang dalawang araw, bumalik uli sa lugar ang BRP Cabra at naabutan ang lima namang barko ng Chinese maritime militia.

Agad ding umalis ang mga barko ng China sa pagdating ng barko ng Philippine Coast Guard.

Sinabi ni National Security Adviser at NTF-WPS chairperson Sec. Hermogenes Esperon, ipagpapatuloy ng PCG at BFAR ang mga maritime patrols sa Exclusive Economic Zone ng bansa sa West Philippine Sea para itaguyod ang soberenya ng Pilipinas sa karagatan.


Related Post

Latest Post


PNP may mga ginagawang hakbang na para sagutin ang mga alegasyon laban sa kanila – Eleazar
Nanindigan ang Philippine National Police (PNP) na ginagawa nito ang lahat upang masagot ang lahat

Sep 17, 2021 news-admin

53 lugar sa QC isinailalim sa lockdown; ayuda tiniyak sa 2 kumbento ng mga madre na may COVID outbreak
Nadagdagan pa ang mga lugar sa Quezon City na isinailalim sa Special Concern Lockdown (SCLA) dahil

Sep 17, 2021 news-admin

Suplay ng Tocilizumab sa bansa nagkakaubusan – Galvez
Aminado si National Task Force Against COVID-19 chief implementer Carlito Galvez Jr na nahihirapan

Sep 17, 2021 news-admin

Prince Harry at Meghan kasama sa 100 Most Influential people ng Time Magazine
Nakasama ang Royal Couple na sina Prince Harry at Meghan Markle bilang 100 most influential people

Sep 17, 2021 news-admin

Blackwater natikman ang 18 sunod na talo sa NLEX 90-73
Pinatikim ng NLEX sa Blackwater ang kanilang ika-18 sunod na talo 90-73 sa patuloy na 2021 PBA Phil

Sep 17, 2021 news-admin